The Unexpected Heir: The Billionaire's Chef
Isang pagkakamali sa delivery ang nagpabago sa buhay ng working-class girl na si Ysabelle Rivera. Dahil sa pagpapalit ng package, na-trap siya sa loob ng penthouse ng ruthless billionaire na si Lucian De Castro sa gitna ng isang biglaang security lockdown. Sa dilim at sa ilalim ng impluwensya ng isang sabotahe, isang mapusok na gabi ang pinagsaluhan nila. Bago mag-umaga, tumakas si Ysabelle gamit ang fire escape para hindi mapagbintangang espiya.
Limang taon ang lumipas matapos silang palayasin at maghirap, bumalik si Ysabelle sa Maynila kasama ang anak nila ni Lucian na si Neo. Pero ang limang taong gulang na anak niya ay may sariling plano dahil napakatalino nito sa computer. Palihim na in-apply ni Neo ang kaniyang nanay bilang Personal Chef ng sarili nitong ama.
Nang magkaharap silang muli sa mansyon, hindi nakilala ni Lucian si Ysabelle. Akala ni Ysabelle ay ligtas na ang kaniyang sikreto, hanggang sa pumasok si Neo sa isang seryosong international business meeting ni Lucian. Hinarangan ng bata ang camera at nagtanong sa harap ng mga investor: “Mister, bakit mo ninakaw ang mukha ko?”
Ngayong lumabas na ang katotohanan, paano pa maitatago ni Ysabelle ang anak niya kung ang mismong bata na ang naglapit sa ama nito? At kapag nalaman ni Lucian na ang bagong chef niya at ang babae nang gabing iyon ay iisa, hahayaan niya pa kaya silang makatakas muli?