Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Star

The Star

Sa likod ng ilaw, palakpakan, at mga kantang minahal ng marami, may mga buhay na tahimik na nasisira at muling binubuo. Si Alexa Emmanuella Padilla Villa—mas kilala bilang Axelle—isang babaeng piniling magningning nang mag-isa, hiwalay sa anino ng sikat na apelyidong kanyang pinagmulan. Sa murang edad, napatunayan niya ang sarili bilang isang singer at negosyante, dala ang paniniwalang ang tagumpay ay mas matamis kapag pinaghirapan. Ngunit noong 2026, nagsimulang magbago ang lahat nang mawala sa kanilang pamilya ang kanyang kapatid isang pag-alis na puno ng lihim, sakit, at katahimikan. Ang pagkawala nito hindi lamang nag-iwan ng lungkot, kundi nagbukas ng mga sugat sa kanilang pamilya na pilit tinatakpan ng paghihinagpis. Habang patuloy ang paghahanap, natutunan ni Axelle na ang katanyagan ay hindi sapat na panangga laban sa pagkawala. Sa gitna ng paglalakbay patungong South Korea at France, isang aksidenteng banggaan ang naglapit kay Axelle at kay Ryo Red “RR” Eun, isang dating K-pop idol na may imaheng matigas ngunit may pusong puno ng sugat at responsibilidad. Ang kanilang mundo ay parehong puno ng ingay, ngunit ang koneksyon nila ay nagsimula sa katahimikan at pag-unawa. Habang unti-unting lumalabas ang mga lihim ng nakaraan sakit, mga anak na iniwan, pag-ibig na hindi natuloy napilitan si Axelle na harapin ang katotohanang ang pagmamahal hindi perpekto. Sa gitna ng trahedya, pagkawala ng magulang, kapatid, at mga kaibigang minahal, natutunan niyang ang tunay na bituin hindi lamang ang kumikislap sa entablado, kundi ang nananatiling nagniningning kahit unti-unting nauubos ang liwanag.
Romance
1.0K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
A NIGHT TO REMEMBER WITH THE CEO

A NIGHT TO REMEMBER WITH THE CEO

Si Maria Lagdameo ay naglalakbay sa masalimuot na mundo ng pag-ibig,pagtataksil, at pagkakanulo. Bilang matagal nang kasintahan ni Roland Espedilla, ibinuhos ni Maria ang kanyang puso at kaluluwa para sa kanyang nobyo naniniwalang ang kanilang pagmamahalan ay totoo . Ngunit sa likod ng ngiti at pangako, nagtatago ang madilim na katotohanan: ginagamit lamang siya ni Roland para sa kanyang bisyo at mga kapritso. Noong naharap si Roland sa matinding problema sa pera at nagiit sa malaking pagkakautang, nagdesisyon siyang ipagbili si Maria sa isang may-ari ng bar, na tila isang masamang bangungot na walang katapusang pagsubok. Inaasahan ni Maria ang isang romantikong date at pagpakilala sa mga kaibigan ni Roland, ngunit ang tunay na layunin ng gabing iyon ay magpapabagsak sa kanyang mundo at kasabwat pa ang matalik na kaibigan na si Rowena at kalaguyo ni Roland na 'di niya inaasahang magagawa ito sa kanya. Nang biglang magbago ng takbo ng mga pangyayari, natagpuan ni Maria ang sarili sa isang sitwasyon ng panganib at pagsisisi, na nagdudulot ng isang gabing tutukuyin ang kanyang kapalaran at pagkakaroon ng isang One-night-stand sa isang napakagwapong estranghero na 'di niya inaakala ay isang CEO ng naglalakihang RTW Chain ng bansa at inaakala siyang isang bayarang babae. Sa kanyang pagbabalik sa Cebu, upang makalimot sa madilim na nakaraan at bagong panimula ay natuklasan niyang buntis siya at bunga ng isang gabi ng isang estranghero-isang bagong simula sa gitna ng pagkawasak. Ngunit ang kanyang kwento ay hindi dito nagtatapos. Sa muling pagkikita nila Kean Ambrosio, ang makapangyarihang CEO ng Klean RTW at ama ng kanyang dinadala, nag-uumpisa ang paglalakbay sa pangalawang pagkakataon ng pag-ibig ni Maria. Paano niya haharapin ang kanyang nakaraan at ang mga alaala ng sakit na dulot ni Roland at Rowena? Makakaya bang magmahal at magtiwala ulit ni Maria sa katauhan ni Kean?
Romance
104.6K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
PREV
123
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status