MR. CEO HOT CRAVINGS (SSPG)
lumunok muna ito bago uminom ng tubig at nagsalita na tila buo ang kumpiyansa sa sarili.
"Excuse me, sinong nagpahintulot sa iyo na ideklarang magkaibigan na tayo, ha, pinatuloy kita sa pamamahay ko dahil nga sa paghatid ng nawawala kong parcel, hanggang doon lang iyon, kaya mister puwede ka ng umalis," may pinaliad niyang sabi at akma ng tatayo ngunit agad nitong nahagip ang kanyang siko kaya't napabalik siya ng upo.