MY EX-UNCLE OWN ME
Hanggang sa nakasalubong ko si Ale Nene na may dalang panindang sariwang isda—mga bangus, tilapia, at ilang pirasong galunggong.
"Aba, sakto ka, iho!" bungad niya, sabay ngiti habang pinapakita ang laman ng bilao.
Agad akong lumapit at pumili. "Ale Nene, akin na po lahat ng bangus at ‘tong mga galunggong. Para sa mga tauhan ko rin kasi, baka magreklamo na puro karne na lang ulam nila."
"Ah, ganun ba? Sige, dagdagan ko pa ng dalawang tilapia, regalo ko na sa inyo. Ang babait ng mga tauhan mong ‘yon," sabi niya habang tinatakal sa plastic ang isda.
Bab Populer