Mommy Nanny
“Kaya nga nakaratay si Shaun hindi ba dahil pinagtangkaan kang patayin. Paano pa kaya ngayong alam nilang wala na sa likod natin ang mga Almeradez? Isang pitik lang ng mga daliri ng mga iyon, pwede ka nilang taniman ng bala sa ulo. Idadamay ako at ang tatay mo! Kaya nakikiusap ako, pumunta ka na sa London habang wala ka pang travel ban!”
“She’s right, Miss Coralde,” singit ni Attorney Zaldivar sa seryosong tinig. “Iyon ang pinaka-inaalala ni Tito Argo. Masyadong malaki ang angkan ng pamilya ni Gaston Fuerte. They are massive and long time political dynasty at Bicol Region. Kahit sa Camarines Norte at Albay ay may mga galamay sila. Marami din na kakumpadre na matataas ang posisyon sa gobyerno
ตอนยอดนิยม