Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire
Sa mga follow-up sessions, pinapaliwanag ni Miguel ang susunod na hakbang - laser scar modulation, contracture release kung kinakailangan, at sa bandang huli, fat grafting para sa symmetry.
Sa speech therapy, unti-unting nagkaroon ng lakas ang mga tunog na nailalabas ni Veronica. Minsan paos pa rin, minsan parang pira-piraso ang tunog. Pero bawat tunog ay patunay na umuusad siya. Sa lahat ng iyon, hindi siya iniwan ni Doc Eros. Lagi lang itong nandoon sa mga critical na session, handang sumalo kung kailangan. Sa bawat pag-uulat ng medical team, tahimik niyang sinusuri ang progress— isang senior doctor na ginagawa ang tungkulin.