Accidentally Yours, Mr. Billionaire!
Mabagal at maingat ang kanyang bawat hakbang, na para bang sinasadya niyang ipakita na siya ang may kontrol sa sitwasyon.
Habang lumalapit siya, doon ko tuluyang nasuri ang kanyang tirahan. Hindi gaano kalaki ang bahay ng mayor, sakto lang para sa isang pamilya, ngunit may dignidad at bigat na dala ang itsura nito. Isa itong ancestral house na yari sa matibay na kahoy at bato. Sa bawat sulok ay may antigong disenyo, mula sa mga ukit ng bintana hanggang sa mabibigat na kahoy ng pintuan. Ang mga haligi ay tila nagkukuwento ng ilang henerasyon na nagdaan, at ang paligid ay may halong amoy ng lumang kahoy na nananatili kahit sa bukas na hangin.
인기 회차