NINONG NOAH'S LOVE CONTRACT (SPG)
“Ako rin po, masaya po ako. Kasi buong buhay ko ay akala ko ayaw niyo sa akin. Ang buong akala ko ay hindi niyo ako gusto. Na katulad lang rin kayo ng tunay kong ina na ayaw sa akin. At nalaman ko na ang tunay kong ama ay ang isa sa mga kalaban niyong pamilya. Ang mga Anderson at si Almeo Anderson ang tunay kong ama, lola.”
“Siya?”
“Opo, siya po ang tunay kong ama. Sa US ko lang rin po nalaman,” sabi ko sa kanya.
“Ngayon ko lang rin alam. Kasi ang totoo ay hindi ko rin talaga alam na siya pala ang tunay mong ama, apo. Mabuti naman at tadhana na ang naglapit sa inyong dalawa. Kahit papaano ay nakahinga na ako ng maluwag dahil nakilala mo na rin ang tunay mong ama. Ilang taon na rin naming ina