The Runaway Girlfriend of the Billionaire's Son
“Kung piliin niyang tumalikod, masakit pero hindi ibig sabihin na mawawala na ang halaga mo at ng batang dinadala mo.”
Napapikit si Mae, at tuluyang pumatak ang luha mula sa gilid ng mata niya, tahimik na dumudulas pababa sa pisngi niya. Ramdam niya ang bigat ng posibilidad na iyon, parang unti-unting dinudurog ang natitirang lakas na pinanghahawakan niya. Pero sa gitna ng sakit, may maliit na bahagi sa kanya ang pilit kumakapit sa sinabi ng Lola niya na kahit anong mangyari, may halaga pa rin siya.
인기 회차