Ang Nawawalang Bilyonarya
Ramdam ko na napaurong ang dila ng lalaki dahil sa sinabi ng Dad nito.
Speechless. Pointless. Iyon ang dalawang bagay na naglalarawan sa lalaki ngayon. Speechless, dahil para itong nabunutan ng tinik sa sobrang OA ng reaksiyon sa nakita. Pointless kasi, of all things na alam ko tungkol sa lalaki, wala naman akong nakikitang dahilan para maging ganoon ang reaksiyon nito? Sa mga titig lang kasi nito ay parang pinararatangan nito kami ni Sir Sam na may ugnayan like something na forbidden. Eh sa wala naman kaming ginagawa ng dad nito? Inaasikaso ko lang naman ang maysakit, iyon lang. Bakit ang ending ay, parang ang sama-sama kong tao?
ตอนยอดนิยม