Death Whisperer
sagot ni Andrei.
Ngumisi si Cadis, "Maganda ang pangalan. Mukhang natututo ka na."
"Salamat po, Panginoon," tugon ni Andrei.
"Babae, makinig ka," sabi ni Cadis kay Jehanne. "Ang pagpunta mo sa akin ngayon ay tinatawag na Seremonya ng Paghaharap. Sa seremonyang ito, iwawaksi ko ang dati mong buhay at bibigyan ka ng panibago. Matapos ang seremonyang ito, wala ka nang maalala sa buhay mo sa mundong ibabaw dahil pag-aari ka na ng mundong ito. Maaaring manatili ka rito ng ilang taon o panghabang-buhay. Mayroon ka namang pagkakataon para umalis, iyan ay kung nakikita kong karapat-dapat ka, at isasagawa natin iyon sa Araw ng Paghuhukom. Bago ka mahatulan kung maiiwan ka rito, o mapupunta sa langit
Bab Populer