The Untold Story of Jewel
Mahabang paliwanag sa amin ng doktora.
Nakita ko rin ang dalawang nurse pati na rin ang isang lalaki na tinutulak ang hospital bed, kung saan nakahiga si Stephen. Walang malay, at may mga tubong nakakabit sa katawan niya.
"Pwede n'yo na siyang puntahan sa silid niya. Kapag may kailangan at katanungan kayo, tawagin nyo lang ako... Anyway Dr. Ana Marzan nga pala..." Inilahad niya ang kamay niya sa amin at tinanggap naman namin iyon upang makipag kamay. "Don't worry mister and misis, hindi namin pababayaan ang anak nyo." Nakangiting turan niya pa.
인기 회차