Marrying the Gay Billionaire
Ano na naman kaya ang pinaplano niya?
Bago pa ako iwan ni Rowan sa kwarto ay hinatiran niya muna ko ng mga pagkain. May slice ng pizza, chocolates, at fries. Meron ding burger at softdrinks. Para akong bata na tuwang-tuwa. Pasayaw-sayaw pa ako habang kumakain. Alam niyo kasi, si Rowan napaka health concious nyan. Ang tawag niya sa mga junkfoods at fastfood, ay fake food. Hindi raw totoong pagkain ‘to. Kaya the fact na pinapakain niya ko nitp ngayon, aba sinapian si bading! Pero nakakaloka, kailangan ko pa masuntok sa ulo para payagan niya ako mag fast food.
Matagal din bago siya bumalik. Nakaligo at nakabihis na ako nang pumasok siya sa kwarto.