MGA TINIK SA KAMA
Para siyang batang ipinagmalaki ang pagkain.
"Sana tulad lang ng lollipop ang pagmamahal, pwedeng alamin ang lasa. Matamis ba, maanghang, mapakla o kaya ay pait. Para hindi na mapasubo ang sinuman at makaiwas sa masamang lasa." Hindi iyon sadya, bigla na lang dumulas sa dila ko ang hinanakit. Siguro kailangan ko lang talaga ng outlet. Hindi ko na kayang ipunin lahat sa puso ko. Baka sumabog ako.