Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Seducing My Stepmom

Seducing My Stepmom

Isang mabigat na desisyon ang ginawa ni Adrianna, nang magpasya siyang iwanan ang nobyong si Mando sa probinsiya para sa ambisyon at kagustuhang umahon sa hirap. Ngunit pagdating niya sa Manila, ibang trabaho pala ang sasalubong sa kaniya. Akala niya'y magiging katulong siya ngunit sa isang maingay na lugar siya dinala, pinagsuot ng manipis na tela, na halos makita na ang kaluluwa niya. Wala siyang choice, hindi rin niya alam kung paano pa makakaalis sa lugar na iyon. Subalit isang lalaki ang nagligtas sa kaniya mula sa kamay ng isang Japanese customer na gusto siyang bilhin kapalit ng kaniyang pagkababae. Si Armani. Dinala siya nito sa malaking bahay at inoperan ng trabaho roon. Ngunit mas nagulat siya ng alukin siya nitong maging asawa nito. Mayaman ito at alam niyang kaya nitong ibigay ang lahat ng gusto niya. Noong una'y tumutol siya dahil sa agwat ng kanilang edad pero dahil sa ambisyon at kagustuhang umahon sa hirap, pumayag siya. Ibinigay ni Armani lahat ng gusto niya, pera, magagarang kasuotan, mamahaling alahas, lahat nakuha niya dahil dito. Naging masaya si Adrianna, hindi dahil mahal niya ito kung 'di dahil sa yaman at karangyaang natatamasa niya. Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana ng biglang mag-cross ang landas nila ni Mando at ang nakakabaliw pa, ipinakilala ito ni Armani bilang anak nito. Nagulo ang mundo niya. Sa pagbabalik ba ni Mando ay muling babalik ang nararamdaman niya rito o sa loob ng limang taon, natutunan niyang mahalin ang ama nito na si Armani? Ngunit paano kung tila ipinapaalala sa kaniya ni Mando ang pag-ibig na mayroon ito para sa kaniya? Kung paano niya ito minahal.
Romance
10306 viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire's Unfulfilled Love

The Billionaire's Unfulfilled Love

Pagmamahalang langit at lupa. Ganyan kung ilarawan ni Hershey Mae Mendoza ang pangalawa niyang pag-ibig na si Frich Yuan Lim Guerrero, pinsan ng dati niyang kasintahan na si Alex. Kabilang lamang sa ordinaryong pamilya sa probinsya ng Cavite si Hershey. Mula naman sa kilalang angkan ng mga bilyonaryo sa China ang pamilya ni Yuan kaya malaki ang pagtutol ng mga magulang nito sa pagmamahalan ng dalawa. Para sa mga magulang ni Yuan, ay dapat mayamang babae rin ang makatuluyan niya na salungat sa estado ng buhay ni Hershey, kaya naging malaking hadlang ang mga ito sa kanila. Nagsimula ang istorya nila Hershey at Yuan nang magkaroon ng pagkakataong mag-aral ang dalaga sa De La Salle University-Dasmariñas, isa sa pinakasikat na paaralan sa Pilipinas na tanging mayayaman lamang ang may kakayahang makapag-aral. Sa pag-aakala ni Hershey na si Alex na ang kanyang tunay na pag-ibig ay nakaramdam siya ng labis na kalungkutan at pagkabigo nang magkasakit ito sa puso at napili siya nitong iwan at umalis ng bansa. Nagkahiwalay sila at doon niya nakilala si Yuan, na nabigo rin sa kanyang dating pag-ibig na si Hani. Nagtagpo ang landas nila Hershey at Yuan sa hindi inaasahang pagkakataon. Naging sandalan nila ang isa’t isa at hinilom ng pagmamahalan nila ang mga puso nilang labis na nawasak. Subalit ang relasyong unti-unting nabuo ay nagdulot lamang ng napakaraming balakid. Paulit-ulit kasing pinamumukha ng kapalaran sa dalawa ang agwat ng estado nila sa buhay at ng mga taong nais manggulo sa kanilang pag-iibigan, mga trahedyang hindi inaasahan at pag-asang panandalian lang. Paano kung bumalik ang pag-ibig nila mula sa nakaraan, at handang kalabanin ang kasalukuyan? Ipaglalaban ba nila ang kanilang pagmamahalan? Patuloy pa rin kaya silang kakapit sa pag-iibigang pinagbabawal? O hahayaan nalang nilang sumaya ang isa't isa sa piling ng iba?
Romance
104.9K viewsCompleted
Read
Add to library
Dirty Nights with Uncle Lucio

Dirty Nights with Uncle Lucio

Dahil sa iskandalong nangyari sa unibersidad na pinasukan ni Aria Calvari, ipinadala siya ng kanyang madrasta sa probinsya. Ayaw ng kanyang madrasta na ang pamilyang Calvari ay malagay sa alanganin. Ngunit akala niya’y tahimik ang buhay na naghihintay sa kanya roon. Sa halip ay napunta siya sa bubong ng kanyang Uncle Lucio. Si Uncle Lucio Navarro ay isang misteryosong lalaki. Hindi ito tunay na tiyuhin ni Aria dahil orphan si Uncle Lucio na itinuturing na kapatid ng yumaong ama ni Aria. Gayunman, maraming naririnig na tsismis si Aria. Si Uncle Lucio ay isa rawng babaero, kriminal, dating sundalo at posibleng isang mamamatay-tao. Noong una, puros kaba ang nasa katawan ni Aria dahil sa malamig na tingin at mapang-akit na katahimikan ni Uncle Lucio. Habang lumalalim ang kanilang pagkakaibigan ay mas lumalalim din ang pagnanasa nila sa isa’t isa. Pinipigilan lamang ni Uncle Lucio ang kanyang sarili dahil alam niyang bawal ang kanyang iniisip na nagkagusto kay Aria. Ngunit ang ginawa ni Aria, inakit siya nito. Makasalanan ang dalaga. Masiyado itong dalaga dahil malaki ang agwat ng kanilang edad. Masyadong delikado at higit sa lahat ay ang masyadong malapit sa kanyang nakaraan. Sa gitna ng lahat, kahit anong layo niya kay Aria, siya namang patuloy na paglapit nito. Hanggang sa hindi na niya na pigilan ang kanyang sarili. Ang makasalanang gabi nilang dalawa ni Aria ay nasundan pa ng maraming beses. At kung kailan nagkaroon na sila ng magandang ugnayan, siya namang pag gitna ng mga tsismis. Muling nabuhay ang akusasyon laban kay Uncle Lucio. Maraming nagsasabi na isa raw siyang salot na sumisira sa buhay ng babae? Ngunit para kay Aria, handa ba siyang tumakbo palayo, o panindigan niya ang lalaking unang nagturo sa kanyang umibig ng totoo, kahit sa madilim na oras? Ano ang pipiliin ni Aria?
Romance
10543 viewsOngoing
Read
Add to library
Chasing Mr. Billionaire [SSPG]

Chasing Mr. Billionaire [SSPG]

Bata pa lamang si Sam ay bukambibig na niya na si Vaughn ang lalaking kanyang magiging asawa — na kaibigan ng nakakatanda niyang kapatid. Kahit malaki ang agwat ng kanilang edad at nakakabatang kapatid lamang ang turing nito sa kanya. Love pa nga kung tawagin niya ang kaibigan ng kanyang kuya. At very vocal siya sa pagsasabing ang binata ang nais niyang maging kabiyak kapag dumating siya sa tamang edad. Hindi naman nito siniseryoso iyon dahil buong akala nito ay dahil sa kabataan lamang niya kaya nasasabi niya ang mga bagay na iyon. Samantalang ang binata ay may Fiancee sa katauhan ni Yvonne — childhood sweetheart ng binata. Nang malaman iyon ni Sam ay labis nitong ininda ang balitang iyon — hindi kumain ng ilang araw, tumangis nang tumangis sa kanyang silid, napabayaan ang pag-aaral at naging sakitin. Hanggang sa isang araw ay makabuo siya ng plano — ang pikutin si Vaughn. Nagtagumpay naman siya dahil nahuli sila mismo ng kaniyang ama sa maselang tagpo. Kaya hindi ito pumayag na panagutan ang namagitan sa kanilang dalawa. Naikasal naman agad sila at walang pagsidlan ang kasiyahan sa puso ni Sam dahil natupad na nga naman ang pangarap niya ng bata pa — ang maging asawa si Vaughn. Subalit, tila naman ito yelo sa lamig nang pakikitungo sa kanya at kung pagsalitaan siya ng masasakit ay para bang hindi nito kaibigan ang kuya niya. Ang mas malala pa ay kapag nagniniig sila ay pangalan ng nobya nito ang laging sinasambit. Hihiwalayan na ba niya si Vaughn na oo nga at naging asawa niya pero hindi naman niya maangkin ang puso nito? O ipaglalaban pa ang pag-ibig niya kahit laging pinapamukha nitong pinikot niya lamang ang asawa? At ni katiting ay wala itong pagmamahal sa kanya?
Romance
1088 viewsOngoing
Read
Add to library
Love on the Chilling Breeze

Love on the Chilling Breeze

Line_Evanss
Bianca Samonte is a famous college instructor in department of nursing. Pinili niyang magturo kaysa ituloy ay propesyon bilang isang nurse dahil sa trahedyang nangyari noon sa kanya. Naging mailap sa lalaki, dahil rito sa edad na bente-nwebe anyos ay tinanggap na niyang tatanda na siya ng dalaga. Ngunit nagkamali siya sa iniisip nang alukin siya ni Mayor Madrigal na maging tutor at personal assistant ng kanyang nag-iisang tagapagmanang anak na si Darius Rhyl Frio Madrigal na nasa ika-apat na taon sa kolehiyo bilang isang civil engineering student. Kararating lamang nito ng bansa at doble ang pag-iingat sa kanya dahil ito ay may amnesia dahil sa kinasangkutan na trahedyo noong bata pa. Marami nang natanggal na personal assistant ni Darius dahil kalaunay nagiging babae niya na ang mga ito at iyon ang labis na ayaw ni Mayor Madrigal. Sa isip ni Bianca na malayong matutulad siya sa mga babaeng iyon dahil malayo ang agwat ng edad nila. 'Di hamak na mas matanda siya ng limang taon kay Darius. Bianca was confident na kaya niyang sanggahin ang lahat kapilyuhan at kalandian ng binata, ngunit kalaunay unti-unti na itong bumibigay sa karisma na hatak ni Darius. Laging may pangamba sa kanyang isip na makakasama ito sa kanyang iniingatang trabaho at imahe sa lipunan. Iniisip din ni Bianca na masyadong malayo ang edad nilang dalawa at maraming tao na huhusga sa kanila. Mapaglaro ang tadhana, na ang kahapong bangungot ni Bianca ay muling bumalik sa pagpasok ni Darius sa kanyang buhay. Na ang lalaking pinaglilingkuran niya ngayon ay siyang bata na kasama niya noon nang mangyari ang isang malagim na trahedya. Paano kung unti-unting mauungkat ang kahapong bangungot na sisira sa kanyang pagkatao at ang nabuong pagmamahalan nila ni Darius? Taktakbo ba siya uli o lalaban na para sa hustisya at pag-ibig?
Romance
1.1K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1234
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status