RUN, SELESTINA! (SSPG)
Lumuhod si Ellie upang abutin ang bata at isinukli ang yakap nito, mahigpit at puno ng lambing.
“Come, sit here, Yaya.” sabi ni Saoirse nang matapos ang kanilang yakapan. Hinawakan nito ang kamay ni Ellie at hinila pabalik sa sofa.
“Ano ang pinapanood mo?” tanong niya habang umuupo sa tabi ng alaga.
“Barbie, the Mermaid,” sagot ni Saoirse at kinuha ang teddy bear na nasa pagitan nila.
“Hmm, mukhang gusto mo talaga si Barbie,” nakangiting tugon ni Ellie, saka niya binuhat ito at pinaupo sa kaniyang kandungan.
Bab Populer