One Night Stand with a Stranger
Isa sa mga unang pinuntahan namin ay ang shooting game.
Simple lang ang mechanics: barilin nang sampung beses ang maliit na target gamit ang pellet gun. Kapag nasapul mo lahat, may premyo kang makukuha. Puwedeng stuffed toy, pagkain, o laruan. Excited na excited ang mga bata nang marinig iyon, kaya sinabi kong puwede nilang piliin ang premyo kung mananalo kami.
"Sir, ang pellet gun po ay may 15 bala. Limang sablay lang po, talo na. Okay po ba?" tanong ng nagbabantay habang inaayos ang mga kagamitan.