Married to the Wrong Man, Loved by the Right One
Ipinagkasundo sina Zoila Cortez at Genesis De Sandoval upang mas mapalawak ang kapangyarihan at kayamanan ng kanilang pamilya. Subalit hindi nila mahal ang bawat isa. Isa lamang itong bangungot para sakanila. May mahal nang iba si Genesis, at gagawin niya ang lahat mawala lang sa buhay niya si Zoila.
Mas magiging komplikado pa ang sitwasyon sa pagpasok ni Jaxen Valviero. Isang lalaking makapangyarihan, mapanganib, at matagal nang lihim na nagmamahal kay Zoila.
Para mapalapit kay Zoila ay nagtago siya sa pangalang Rico De Larna at nagtrabaho siya bilang personal driver nito. Sakanilang palagiang pagsasama mabubuo ang isang pag-ibig na tunay at dalisay. Subalit isang nakatagong sikreto ang nagpabago sa lahat. Isang lihim na kasangkot ang pamilya ni Zoila na naging dahilan upang dumanas siya ng masakit na nakaraan noong bata pa lamang. Namuo ang galit sa puso niya na nagtulak upang iwanan niya sa ere si Zoila, nang hindi man lang niya nalamang nagdadalang-tao ito.
Sa paglipas ng limang taon, bumalik siya dahil hindi niya na makayanan ang nalamang kaawa-awang kalagayan ni Zoila sa kamay ng asawa nito. Sa pagkakataong ito, hindi na niya hahayaan pang mawala sakanya ang babae. Gagawin niya ang lahat mabawi lamang ang babaeng pinaniniwalaan niyang sakanya lamang.
Ano ang mangyayari sa muling pagpasok ni Jaxen sa buhay ng mag-asawa?
Magiging masaya ba talaga si Genesis kung tuluyang mawawala si Zoila sa buhay niya? O gagawa siya ng paraan upang maibalik ang asawang natutunan niyang mahalin kung kailan huli na ang lahat?
Maibabalik pa rin ba sa dati ang pagmamahalan nina Zoila at Jaxen na minsan nang winasak ng lihim at masakit na nakaraan?
Sa magulong buhay pag-ibig na kinasangkutan ni Zoila, ang kasal ba sa lalaking walang pagmamahal o ang lalaking iniwan man siya pero hindi siya magawang pakawalan…
SINO ANG PIPILIIN NIYA?