Call You Mine by Mafia Lord (Mafia Lords Legacy Series 3)
Kundi dahil sa pakiramdam na may matang palaging nakasunod sa bawat kilos ko.
Hindi lang dahil sa nangyari sa bookstore kaya hindi ako mapakali. Kundi dahil sa pakiramdam na may matang palaging nakasunod sa bawat kilos ko. Everywhere I go, parang may presensyang hindi ko makita pero ramdam ko. Sa café, sa mall, kahit sa loob ng kotse, may kakaibang kaba akong nararamdaman. I tried to convince myself na imagination ko lang iyon. Pero habang lumilipas ang oras, lalo akong hindi mapalagay. Minsan, napapalingon ako sa likod kahit walang dahilan. At sa bawat pagkakataon, wala akong nakikita. Ngunit deep inside, alam kong may nagmamasid sa akin—at hindi maganda ang kanilang pakay.