One Night Stand with a Stranger
SunJay Storiestula tungkol sa pangarap maging doktormonologue script tagalogsa gitna ng ulan mahal komy nerd ex wife tagalog
---
GABRIELLA MONICA JIMENEZ POV
@Samaniego Medical Hospital
Hanggang ngayon, hindi pa rin kami nagkakaayos ni Miguel. Sobrang sama pa rin ng loob ko sa kanya. Kahit magkasabay pa kaming pumasok kaninang umaga, hindi ko siya kinausap. Ramdam ko ang mga sulyap niya habang nasa kotse kami, pero hindi ko magawang tumingin pabalik. Alam kong sinusubukan niyang mag-reach out-ang tahimik niyang mga tingin, ang pabiro niyang mga hirit-pero ewan ko ba, parang mas nangingibabaw ang pride ko. Kaya heto kami ngayon, parang estranghero sa isa't isa.