ANG KATULONG NA PINIKOT NG BILYONARYO
Ang bawat sulok ng lupain ay bantay-sarado ng mga tauhan na may mahahabang baril at matitigas ang tingin, na para bang kahit hangin ay hindi basta-basta makakapasok nang walang pahintulot.
Sa gitna ng lupain, makikita ang engrandeng mansyon na yari sa marmol at pinapalamutian ng gintong ukit sa bawat gilid. Sa tuktok ng pangunahing tarangkahan, nakaukit ang malaking simbolo na CC—ang tatak ng kanilang pinuno, si Ama Clinthon. Ang simbolong ito ang nagsisilbing paalala sa lahat ng kanyang nasasakupan na siya lamang ang may hawak ng kapangyarihan, at kahit pinakamalakas na negosyante o pinakamatapang na kalaban ay yumuyuko sa kanya.