Can't Be Tamed
"Tatapusin ko ang pag-aaral ko para maalis ko kayo rito, Nay."
Ang mabahong kapaligiran dito, 'di ko alam kung hanggang kelan ko masisikmura. Sanay naman ako sa hirap pero medyo labag sa loob ko ang nakikitang kahirapan sa pamilya ko. Hindi ligtas ang lugar na ito dahil habang naliligo ako katabi ng poso kagabi, may naghahabulang mga lalaki. May mga pamalo sila at dala-dalang mga itak. Ang maingay na lugar na ito na parang lagi na lang may nag-aaway sa labas? Hindi ito ang buhay na gusto ko sa pamilya ko. Bago kasi kami natulog kagabi, may mga nagsisigawan pa at may kung ano'ng bagay ang tumatama sa yero ng kapitbahay. Kailangan ko raw masanay sabi ni Kuya pero ayoko talaga ng buhay na ganit
ตอนยอดนิยม