CEO ROMANCE SERIES (ALEX & KAREN)
“Jess, I am not in the mood…”
“Kar, I will not accept a no for an answer.” Putol agad ni Jessica sa kung anu pa mang sasabihin niya. “Kung hindi ka pupunta sa bago naming bukas na branch ay pupuntahan kita diyan at kakaladkarin patungo dito. You need to chill girl,” may bahid pa ng pagbabanta ang tonong dagdag saad nito sa kaniya. “Alam mong kayang-kaya kong umalis ng trabaho ko kahit na hindi pa ako tapos sa ginagawa ko. Bahala ng ma-reprimand ako ng hottie naming boss, basta masiguro ko lang na hindi magmumukmok ang bestfriend ko. Knowing you, alam kong magkukulong ka na naman sa apartment mo at hindi mo na namang maisipang alagaan ang sarili mo ng dahil sa problema mo sa ama mo. So kung a