Hide and Seek
Sa inis ni Austin ay umalis ito sa kwarto ng mga kaibigan ngunit malakas ang naging pagsara nito ng pinto na ikinagulat nila Polaris.
Ibinagsak ni Austin ang bag na dala sa sofa, hirap man na mahiga dahil sa mga tinamong sugat sa likod at mga braso ay nakuha naman niya na mahiga nang maayos, sa malambot at mahabang sofa. Nakatitig siya sa kisame at maraming bagay ang patuloy na gumugulo sa isip niya, hanggang sa hindi niya namalayan na nakatulog pala siya. Napuyat siya kagabi kakabantay sa paligid, relyebo sila nina Orion at Sid, hindi siya mapanatag dahil sa nangyaring pagkidnapp kila Mari. Sigurado siyang kahit anong oras ay puwede ulit mangyari ang bagay na iyon.
Bab Populer