Beyond The Broken Marriage
ani Alyssa habang pinaglalaruan ang tasa sa kanyang kamay, “kung minsan iniisip ko, paano niyo po napagdaanan ang lahat ng hirap noon? Hindi naman po biro ang pinagdaanan natin. Wala tayong sariling bahay, halos palipat-lipat tayo noon. Tapos halos hindi ko rin kayo nakikita, lagi kayong nasa trabaho…”
Napangiti si Mama at umiling, saka dahan-dahang tumango. “Totoo ‘yan, anak. Hirap na hirap kami ng Papa mo noon. Pero ang lagi naming dasal, kahit gaano kahirap, sana lumaki kang maayos. ‘Yun lang ang pinanghahawakan namin. Kaya kahit minsan, gusto ko nang sumuko, iniisip ko palagi—ay, hindi pwede. Kasi may Alyssa tayong pinapalaki.”
الفصول الرائجة