Mary Jane
Habang nag aayos ng sarili ay biglang tumunog ang telepono ko +639**********
" OUTSIDE " napakunot noo ako sa nabasa ko, bukod sa hindi ko kilala ang nagtext halatang tamad pa ito sa pagtipa. Agad naman ako sumilip sa bintana at nagulat nang makita kung sino ang nasa labas, nakasandal ito sa sasakyan niya na halatang pang mayaman. Ang mga kamay ay nakasuksok sa kahki short. Ineksamin ko ang kabuuan niya, black shirt na humahapit sa malapad nyang balikat at katawan, nakasuot din ito ng topsider.
인기 회차