I Am Married To The Ruthless CEO
Espesyal daw ang araw ng kasal dahil dito nagsisimula ang isang kwento ng walang hanggang pagmamahalan.
Pero sa akin, dito natapos ang lahat.
Ang araw na pinangarap kong maging pinakamasaya, naging araw ng pinakamalalim kong sugat. Isang lihim ang sumira sa lahat—ang taong dapat kong makasama habangbuhay, may ibang pinili.
Hindi ko na nakita ang altar. Hindi ko na narinig ang 'oo.' Ang tanging narinig ko lang ay ang pagkabasag ng pangarap ko.
At sa araw na iyon, natutunan kong ang pagmamahal ay hindi laging sapat para tapusin ang isang kwento.