Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire
they were both starting to crave more.
Sa ilalim ng dilaw na ilaw ng parking lot, huminto ang elevator sa ground floor. Tumunog ang chime, at sabay lumabas sina Cesca at Seiichi. Tahimik lang silang dalawa habang naglalakad sa kahabaan ng concrete floor. Si Seiichi ay may dalang laptop bag at susi ng sasakyan, habang si Cesca naman ay may hawak na foil-wrapped leftover pizza at cellphone, hawak-hawak ang naka-book niyang Grab.
“May natirang dalawang slice,” aniya, pinapakita ang foil. “Baka gusto mo para bukas.”