THE GENERAL'S LOVER
Tumango-tango ang heneral.
“Si Eric Dysangco ay dumating sa Pilipinas noong Hunyo ng 1991, para magtago mula sa kapulisan ng China dahil sa pagkakadawit nito sa mga kaso ng smuggling at droga. Ilang taon itong nagpalamig, at matapos ang tatlong taong pananahimik, sumabak muli sa mga ilegal na gawain dito sa Pilipinas. Nakilala si Merlita Mate, ina ni Deo. Nagsama, hanggang sa nagpakasal at inampon ni Dysangco ang anak ni Merlita kaya dala-dala ni Deo ang apelyido ng stepfather niya. Nahuli si Eric noong taong 2001, nakulong ng siyam taon bago ito binawian ng buhay sa sakit na Chronic Kidney Failure. Mula noon si Deo na ang nagpatuloy ng ilegal na gawain ng ama”, mahabang kwento nito.
Bab Populer