Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Billionaire's Aggressive Maid

The Billionaire's Aggressive Maid

Tahimik ang mansyon. Tahimik… maliban sa mahinang iyak ni Princess sa bisig ko—isang buwang gulang, walang alam, walang kasalanan. Pero siya ang unang nasaktan sa lahat ng ‘to. Siya ang naiipit sa pagitan ng dalawang taong hindi na alam kung paano magmahal nang sabay. Nakaluhod ako sa harap ni Elise. Mahigpit ang hawak ko sa laylayan ng bestida niya, parang batang takot na maiwan sa dilim. Nanginginig ang labi ko, pinipigilan ang mga luhang ayaw na sanang lumabas—pero hindi ko na kayang kontrolin. “Please, Elise…” garalgal kong pakiusap. “’Wag mo kaming iwan. Hindi ko alam kung paano palalakihin si Princess nang wala ka. Hindi ko alam kung paano mamuhay kung wala kayo…” Pero wala. Wala siyang emosyon. Wala siyang luha. Matigas ang titig niya, parang ako pa ang mali. Bitbit niya ang maleta niya—hindi lang punô ng damit, kundi punô ng lahat ng alaala namin. Lahat ng pangarap. Lahat ng ‘akala ko tayo.’ “Hindi ko ‘to pinlano, Levi,” mahina niyang sagot. “Pero kailangan kong piliin ang sarili ko. Pagod na akong umasa. Pagod na akong maging pangalawa sa trabaho mo, sa mundo mo. Hindi ko kayang maging ina habang ako mismo’y hindi buo.” Gumuho ako. Literal. Napayuko ako habang yakap ko si Princess, habang nararamdaman ko ang init ng iyak niya sa dibdib ko. Halik ako nang halik sa noo niya, para bang kaya kong takpan ng pagmamahal ang kawalan ng ina niya. “Anak mo ‘to, Elise. Anak natin…” pabulong kong daing. “Kung hindi mo na ako kayang mahalin… kahit siya na lang. Kahit siya. ‘Wag mong iwan ang anak mo…” Pero wala. Ni hindi siya lumapit. Ni hindi siya tumingin. Tumalikod siya, dala ang katahimikang mas malakas pa sa kahit anong sigaw ng pagtanggi. "Ayoko na" mahina niyang sabi at hinila ang maleta palabas ng mansion.
1021.2K viewsCompletedAdded to Library 784 Times as mahinang tunog
Read
+Library
The Legal Bride Revenge

The Legal Bride Revenge

"Oo ford! ...ako nga ang iyong asawa na pinabayaan mong mamat*y sa kamay ng ina mo at sa babaeng tinuri kong kapatid buong buhay ko!" walang tigil sa pagpatak ang aking luha habang sinasabi lahat sa kaniya lahat ng sakit na dinanas ko sa kamay ng kaniyang pamilya at sa t*ksil kong kaibigan. "M-maniwala ka sakin hon ...please-e maniwala ka wala akong alam sa sinasabi mo" paliwanag niya habang sinusubukan niya akong yakapin. "Tigilan mo ako sa mga kasinungalingan mo! magmula ngayon, hindi na ako ang dating mahinang si gwen! dahil hindi na ako muli pang magpapa-api sa inyo!" kumalas ako sa pagkakahawak niya sakin saka tumalikod sa kaniya. "Maniwala ka gwen ...ikaw parin ang babaeng pinakamamahal ko-o" tumulo ang aking mga luha habang nakikinig sa kaniyang kasinungalingan. "M-mahal? ...kung mahal mo ako ford sa akin ka naniwala! sa lahat ng tao dapat ikaw yung unang kumampi sa akin! alam mo ba yung sakit na dinanas ko?! ...ford hindi mo alam kung anong hirap at pasakit naranasan ko sa inyo!" Wala paring hinto ang pagtulo ng aking mga luha habang isa isa kong sinasabi sa kaniya lahat ng nangyari mula noong nasa pamamahay nila ako. "Maniwala ka ...wala akong alam sa nangyari, patawarin mo ako kung, kung hindi ako nakinig sayo mga panahong yun" while crying saka nakaluhod papalapit kay gwen. "T-tama na ford! ...tama na! ...hinding hindi ko kayo mapatatawad lalo ka na!" muli akong bumitaw sa kaniya saka nagpatuloy sa paglalakad habang ang agos ng ulan tuloy tuloy padin. "You're the worse man i've ever met!" in her mind Muling nagsipag patakan ang noo'y nais kong pigilan na mga luha ngunit kusa itong lumalabas at ayaw paawat.
2.6K viewsCompletedAdded to Library 60 Times as mahinang tunog
Read
+Library
I Left Him, Now He Wants Me Back!

I Left Him, Now He Wants Me Back!

Ginawa ni Naya ang lahat para maging perpektong asawa kay Kael Madrigal. Tahimik niyang tiniis ang malamig nitong pagtrato, ang pagiging absent nito bilang asawa, at maging ang hirap ng pagbubuntis habang buong puso niyang tinutulungan ang kompanya nito bilang isang mahusay na architect. Kahit mag-isa siyang umiiyak sa ospital habang ipinaglalaban ang buhay ng premature nilang anak na si Luna, patuloy pa rin niyang inintindi ang lalaking mahal niya. Hanggang sa lihim na dumalo siya sa araw ng first month celebration ng anak ni Ivy. Doon niya natuklasan na habang siya ay naghihirap sa ospital, si Kael naman ay buong pusong nag-aalaga sa ibang babae at anak nito. At sa unang pagkakataon, tuluyang napagod si Naya. “Maghiwalay na tayo.” Ngunit para kay Kael, isa lamang iyong emosyonal na drama ng asawang sanay namang magpatawad at manatili sa tabi niya. Hanggang sa isang araw, tuluyan siyang iniwan ni Naya. Makalipas ang tatlong taon, muling nagkita ang dalawa sa isang international architectural summit. Ngunit wala na ang dating mahinang babaeng iniwan niya. Si Naya ngayon ay isa nang sikat at respitadong architect na hinahangaan ng lahat. At habang desperadong nagmamakaawa si Kael na bigyan siya ng isa pang pagkakataon sa harap ng maraming tao, isang malamig na ngiti lamang ang isinagot ni Naya bago hinawakan ang kamay ng bago nitong boyfriend at tuluyang lumayo. Nang makatanggap si Kael ng wedding invitation ni Naya, saka niya tuluyang naunawaan na hindi na ito babalik pa sa kanya. Galit siyang sumugod sa kasal, ngunit pagharap ni Naya sa kanya, mahina lamang itong ngumiti. “So now you want me back, my ex-husband? I’m sorry, but you're too late.”
10110 viewsOngoingAdded to Library 4 Times as mahinang tunog
Read
+Library
PREV
123
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status