Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Under His Arm

Under His Arm

DreamerIsGood
Pinaghahanap si Jade "De" Martelli dahil sa kasalanan pagpatay sa kaniyang asawa sa 'di alam ng lahat na siya ay rape victim, ang mga magulang ng lalaki at ni Jade ay pinagkasundo sila dahil siya ay na buntis. Pinakasal siya sa lalaking 'di niya gusto, pagkapanganak ni Jade sinabi ng doctor na namatay ang kaniyang anak na dahil sa nangyari na wala sa pagiisip si Jade. Binalak niyang patayin ang kaniyang asawa ngunit 'di ito na tuloy, may mga panahon din na sinasaktan siya ng kaniyang asawa sa physical na pamamaraan dahil sa galit ni Jade nakahawak siya ng baril at pinag-agawan nila ito hanggang sa pumutok na nakatutuk ito sa kaniyang asawa. Maraming kaibigan si Jade kaya nakatakas siya nagpalipat-lipat siya ng lugar sa kaniyang mga kaibigan na nakatulong ito para malayang mamuhay si Jade. Nagpaiba-iba din siya ng trabaho para sa kaligtasan niya. Isang araw sa isang club na pinagtatrabahoan ni Jade may mga pulis na dumating para maginspection. Nakaramdam ng panic si Jade kaya na bangga niya niya si Lucian "Luc" Greco na isang Mafia, mayaman siya, maraming connection, at negosyo. Humingi siya ng tulong dito na agad naman pumayag na hindi man lang nagdalawang isip pagkatapos ng tulong na ibinigay ng lalaki umalis din si Jade na simula noon lagi na silang nagkikita sa mga 'di inaasahang lugar hanggang sa hinahanap hanap na siya ng lalaki 'di nagtagal inalok siya na maging Fiancée nito para maprotektahan siya mga gustong humuli sa kaniya pero may mga kondesyon silang dalawa para maprotektahan nila ang kanilang sarili sa tukso ng pagibig. Ang lalaki kayang ito ang magpoprutekta sa kaniya, at mamahalin siya sa katagalan?
Romance
10534 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Contract of the Heart (Kontrata ng Puso)

Contract of the Heart (Kontrata ng Puso)

Sa taong 2030, sa lungsod ng Maynila, magtatagpo ang dalawang taong galing sa magkaibang mundo. Elaine Santos—isang simpleng babae mula sa isang maralitang pamilya, determinadong gawin ang lahat para mailigtas ang kanyang kapatid na may malubhang karamdaman. Nang mawalan ng pag-asa at pagkakakitaan, mapipilitan siyang tanggapin ang isang alok na magbabago sa kanyang kapalaran. Aidan Velasquez—isang batang negosyante at bilyonaryong kilala sa kanyang lamig, determinasyon, at pusong sarado sa pagmamahal. Sa mata ng publiko, siya ay perpekto. Ngunit sa loob, siya'y wasak—binuo ng pagkabigo, at nilason ng isang nakaraang hindi niya matahimik. Ang kanilang landas ay magtatagpo sa pamamagitan ng isang kasunduan—isang isang-taong kasal kapalit ng tulong pinansyal para sa kapatid ni Elaine. Sa simula, malinaw ang mga hangganan: walang damdamin, walang komplikasyon, isang kontrata lang. Pero sa bawat araw ng pagiging "asawa" ni Aidan, mararamdaman ni Elaine ang paglamlam ng kanyang mga pader. Unti-unti, binubuksan niya ang pintuan ng kanyang puso—hindi lang kay Aidan kundi sa lahat ng taong nakapaligid dito. At si Aidan, sa kabila ng kanyang malamig na maskara, ay masusubok harapin ang katotohanan ng kanyang nakaraan—lalung-lalo na ang sakit na iniwan ni Selene Navarro, ang babaeng minsan niyang minahal. Habang tumatagal, mas lumalalim ang komplikasyon. Lilitaw ang mga lihim. Mabubunyag ang mga sugat. At masusubok ang tibay ng damdamin sa gitna ng mga kasinungalingan, takot, at responsibilidad. Sa huli, ang tanong: Ang pag-ibig ba ay kailangang ikontrata—o ito'y malayang nararamdaman sa tamang panahon?
Romance
417 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Thorn Between Duty And Desire

Thorn Between Duty And Desire

Si Anathalia Eirah Dela Rosa ay ang pinakatampok na halimbawa ng isang spoiled brat—matigas ang ulo, impulsive, at sanay na laging makuha ang kanyang nais. May matalim na dila at pusong puno ng mapanghimagsik na lakas, hindi siya kailanman kailangang sumagot sa sinuman, lalo na sa isang lalaki. Ngunit magbabago ang lahat nang makilala niya si Kaelion Isolde Vesperas, isang kalmado at mahinahon na gobernador na may pusong kasing matibay ng kanyang awtoridad. Walang pakialam si Kaelion sa mga charm ni Anathalia, at wala ni isang bagay ang nakakagulo sa kanyang mahinahong anyo—lalo na hindi isang maapoy na babae na akala niya’y kaya niyang pabagsakin. Habang sanay si Anathalia na ang mga tao ay yumuyuko sa kanyang gusto, nananatiling matatag si Kaelion, hindi tinatablan ng kanyang mga tantrum at maligalig na pagtatangkang mapansin siya. Habang ang magaspang na ugali ni Anathalia at mga pang-aakit ay hindi nakakalusot sa malamig na pagtanggap ni Kaelion, natutuklasan niyang hindi basta-basta mananalo ang kanyang puso. Kailangan niyang magbago at matutunan ang kahalagahan ng pagiging bukas, isang bagay na hindi pa niya kailanman inaalok. Sa isang mundong kung saan nagtatagpo ang pagnanasa at kapangyarihan, ang magkaibang impulsiveness ni Anathalia at ang mahinahong pagpipigil ni Kaelion ay nagbabanggaan sa isang laban ng mga kalooban. Magagawa kaya niyang iwaksi ang kanyang pagiging spoiled upang makuha ang respeto—at marahil pati ang pagmamahal—niya? O hahantong ba ang mga whim ng kanyang puso sa isang landas ng pagkabasag ng puso? @cursebyharrrt Date Started: November 28,2024 Date Finish: Status: On-going A/N: Slow Update, please bare with the writer.
Romance
391 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Ang fiancé ko, ang kanyang kapatid

Ang fiancé ko, ang kanyang kapatid

Si Léa ay namumuhay ng mapayapa kasama si Thomas, isang mahinahon at predictable na lalaki na kanyang pakakasalan. Ngunit ang hindi inaasahang pagbabalik ni Nathan, ang kanyang kambal na kapatid na may nakakamanghang alindog at malayang kaluluwa, ay nagpapabagsak sa kanyang maayos na mundo. Sa isang salu-salo na inihanda para sa kanya, si Nathan ay pumasok nang may kapansin-pansin na presensya at sa puso ni Léa, isang bitak ang nagbukas. Ang kanyang nag-aapoy na tingin, ang kanyang mga salitang puno ng pagnanasa, ang kanyang paraan ng pamumuhay na walang hangganan… lahat sa kanya ay naguguluhan at hindi maiiwasang humahatak sa kanya. Sa pagitan ng rasyonalidad at pagnanasa, katapatan at tukso, si Léa ay naguguluhan. At kung ang tunay na pag-ibig ay hindi matatagpuan sa lugar na palagi niyang inisip? Kapag ang dalawang puso ay tumitibok sa hindi pagkakasabay… aling dapat pakinggan?
Romance
233 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The Billionaire's Ugly Wife Is Now A Goddess

The Billionaire's Ugly Wife Is Now A Goddess

Pinilit ni Zion Arcanghel na pakasalan ang isang mataba at panget na si Kelly Bernardo dahil sa kapritso ng kanyang Lolo Enrile. Pero matapos ang kasal, agad niya itong pinaalis at naghiwalay sila ng landas. Limang taon silang namuhay nang magkahiwalay. Siya ay malayang nag-enjoy bilang binatang walang iniisip. Ngunit nang dumating ang araw na kailangan na nilang magkita para sa annulment, natigilan siya. Ang babaeng papalapit ay hindi lang basta maganda. Nakabibighani, kahali-halina, at higit sa lahat, ang uri ng babaeng gugustuhin niyang pakasalan. Laking gulat niya nang malaman na ito pala ang asawang dati niyang itinaboy. Dalawang segundo lang ang nakalipas, iniisip na niyang pakasalan muli ito. Pero kaya pa ba niyang mabawi ang babaeng minsan niyang tinanggihan?
Romance
85 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
PREV
12
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status