Memories of the Past [COMPLETED]
Lumikha siya ng isang kahanga-hangang makinarya.
Iyon ay may taas na higit sa walong metro. Sinusuportahan ito ng apat na malalaking troso na pinagkabit-kabit sa tuktok sa pamamagitan ng mga malalaking pako. Bawat gilid ng makinarya ay may malalaki at matitibay na kable o lubid. Sa dulo ng mga malalaking kable ay nakabitin ang malaki't napakabigat na batong buhay na may uka sa gitna upang siyang maging pang-ibabaw na isa pang may ukang bato na naihugos na sa hukay. Sa guwang na ito, ilalagay ang isang kahang kristal na paglalagyan ng mga kasulatan, ng mga pahayagan, mga medalya, salapi, ginto at iba pa at lahat ng ito ay ipaloloob sa isang tinggang hininangan.