I'm Taking your Everything
“Tuwing hihilingin ko ang oras mo, trabaho ang laging sagot mo. Ano ang silbi ng pagiging mayaman mo kung hindi mo naman maibibigay ang oras at atensyon na kailangan ko? Parang hindi mo ako pinahahalagahan!”
Ang sigawan ay umabot sa buong bahay, at ang dating payapa na pag-uwi ay naging sanhi pa ng mas matinding pagod sa isipan ni Luciano. Sa halip na makapagpahinga, napilitan siyang makipagtalo at ipaliwanag ang kanyang sarili sa taong dapat sana ay kanyang kapanatagan. Nang hindi na niya makayanan ang sitwasyon, umalis siya ng bahay at nagtungo sa aming tahanan, na may pag-asang makakahanap ng kapayapaan sa aking tabi.
인기 회차