Diego De Luna, Over My Dead Body
"Okay. I see. . . Milk? Do you want milk? Hang on, I'll get your milk."
Humakbang na ako patungo sa cupboard at kinuha ang gatas ng pusa. Sumimangot ako sa sarili habang naglakad pabalik sa pwesto ni Smokey. Nakaupo na siya sa gilid ng cat bowl niya at naghihintay ito.
"Heto! Ang arte-arte mo. Eh, samantalang doon sa Pilipinas ay tubig lang naman at kanin, tapos buto ng isda ang kinakain ng mga kakampi mo! Hay, naku."