Kakaibang Tikim
Iliana POV
Tanghali na nang tuluyan kaming makauwi sa mansion. Nakalabas na rin agad si Kuki. Malakas na agad siya. Aba, bakit nga hindi, sinulit ba naman ang pagpapakain ko sa kaniya. Na pagkakibot e, hindi niya kayang hawakan ang kutsara dahil mahapdi raw ang sugat. Pero ang totoo, ini-enjoy lang ng gago ang ginagawa ko sa kaniyang pagsubo ng pagkain. Hinayaan ko na lang. Nasa puder ko kasi siya at kung may masamang mangyayari, sisisihin ko talaga ang sarili ko. Pero may tao dapat akong mas sisihin dahil sa nangyari kagabi. Ang daming nasaktan, hindi lang ‘yon, marami ring namatay. Kaya, humanda sa akin ang babaeng ito.
ตอนยอดนิยม