Pagmamay-ari Kita
Habang naglalakad ako palayo, mas naramdaman ko ang bigat sa bawat hakbang—parang bawat distansyang nililikha ko ay laban sa sarili ko.
Huminga ako nang malalim ng paulit-ulit. Pinilit kong ituon ang isip ko sa mga dapat kong gagawin-kahoy, apoy, gabi. Hindi sa init na hindi na dapat palakihin. Hindi sa alaala ng mga sandaling minsang pinagsaluhan namin.
Nakarating ako sa mas masukal na bahagi ng isla. Doon, huminto ako at ipinikit ang mga mata ko. Pinakinggan ko ang dagat, ang hangin, ang sarili kong hininga.
인기 회차