EXOTIC GIRL: ANAYA VIJAR
hinahagod ni Mama Baby ang aking likod upang tumahan.
"Bata ka pa Anaya. Masyadong makapangyarihan ang pamilya Capili. Kung ako sa'yo kung mayroon man silang tulong o pera na ibibigay, tanggapin mo. Iyon ang gamitin mo para makabawi kang muli. Kapag lumaki ka na saka mo na sila singilin sa kanilang pagkakautang sa'yo. Sa ngayon, ang kailangan mong pagtuunan nang pansin ay ang libing ng Nanay Lucia mo at ni Manang Inday sa katapusan. Pagkatapos kung ano ang gagawin sa pwesto ni Manang Inday sa palaisdaan. Pagtuunan mo din ng pansin ang iyong pag-aaral at etong bahay pa. Marami ka pang dapat isaalang alang. Manalangin ka lamang sa Maykapal at lahat ng eto ay malalampasan mo din." paliwanag ni