My Bodyguard
Minsan lamang siya magbigay ng papuri sa mga lugar na kaniyang napupuntahan, lalo na pagdating sa paglasa ng mga alak tulad ngayon.
“That’s the best wine here in Baguio City, at inihanda ko talaga para sa’yo iyan, Mr. Hudson,” nakangiti ang lalakeng manager at pinipilit na maging pormal ang kanilang pag-uusap. Sinabihan na kasi siya ng may-ari ng Country Club na huwag magbangit ng anumang bagay tungkol sa kataohan ni Hudson—lalo na at balitang-balita na kasama ang katawan nito sa mga nasunog na bangkay sa isang ambush na ipinalabas ng mga kapulisan, na dapat sana’y pabalik na ng New Bilibid Prison sa Mandaluyong.
인기 회차