Love for Rent
“Hindi mo naitatanong, hardinero din ako. May maliit akong garden ng roses. Next time, isasama kita tapos ikaw mamimitas ng bulaklak.”
Tinanggap ng dalaga ang roses. Kung titignan mula sa malayo ay tila sila nagliligawan. Masaya ang puso niya.
“Salamat,” anito habang inaamoy ang roses.
Hindi mawala ang ngiti sa kanyang mga labi kahit nasa loob na ng mansyon ang dalaga. Para siyang teenager na pinansin ng crush.
Dumating si Ethan sa mansyon, excited siyang umuwi upang makipaglaro sa anak. Nakaabang si Lyn sa gate pa lamang.
Bab Populer