Naglalagablab na Lihim ng CEO!
Tila ba sinasadyang punitin ang balat ko, mas lalong idiniin ng mga kamay niya ang magaspang na hibla sa aking laman.
Napasigaw ako, isang impit na ungol ng matinding hapdi. “H-Hunter? Ano ba? N-Nasasaktan ako! Luwagan mo!”
Katahimikan.
Isang uri ng katahimikan na nakakabingi, nakakasakal, at nakakapangilabot.
“H-Hunter…?” nanginginig kong tawag muli, sinusubukang lumingon sa likuran ko ngunit hindi ko magawa dahil sa higpit ng pagkakagapos ko.