Adamantine's Eyes
ang sambit ko.
Nararamdaman ko na kaunting oras na lamang ang nalalabi para sa akin. Nakikita ko na unti-unting nagiging bughaw na liwanag ang aking mga kamay. Sa tagal ng inilagi ko sa mundong ito, ngayon ko lamang masasabing p’wede na akong mamahinga. “Isipin mo laman na magbabakasyon lamang ako, Ada. Kung totoo man ang susunod na buhay, nais pa rin kitang pagsilbihan. Dahil ang buhay ko ay sa’yo ko lamang iaalay. Sa paglipas ng ilang taon na pamamalagi ko sa mundo, ang paglikha ng alaala kasama ka ay isa sa mga pinakamagandang karanasan na aking naranasan. Hanggang sa muli nating pagkikita, Ada,”ang sambit ko at tuluyan ko nang ipinikit ang aking mga mata.
ตอนยอดนิยม