The Mafia Lord's Quadruplets
Gusto ko, lahat ng ginagawa ko ngayon ay para sa kapakanan niya.
Pero sa totoo lang, nakakabagot minsan kapag walang ginagawa. Yung tipong nakaupo ka lang, nakatingin sa kawalan, iniisip kung ano ba ang magandang gawin. Kahit pagluluto, hindi ko na magawa. Kapag busy si Nix, uuwi pa rin siya para siya ang magluto para sa akin—mula almusal hanggang tanghalian. Kadalasan, gumagawa rin siya ng meryenda para siguradong may makakain ako habang wala siya. Oh diba, ang swerte ko? Dati, pinapangarap ko lang ang ganitong buhay. Ngayon, reyna na ako sa bahay namin. Pero sa totoo lang, reyna rin ako ng mga sinungaling.
Napasimangot ako at bumuntong-hininga. Umupo ako sa couch at kinuha ang isang magazi
Hot Chapters