MY TINY MATCHMAKERS
“Mommy… bakit po kamukha ni Sir Rafael si Brix?”
Isang simpleng tanong mula kay Bea ang muntik nang magpahinto sa paghinga ni Winona.
Dahil ang cold at perfectionist billionaire CEO na kinatatakutan ng buong kumpanya ay ang lalaking minsan niyang nakasama sa isang reckless night years ago.
At ang mas malaking problema?
Hindi alam ni Rafael Villarreal na may kambal silang anak.
Habang pilit itinatago ni Nona ang katotohanan, unti-unting sinisira ng dalawa niyang anak ang plano niya, mula sa pagtawag kay Rafael ng “Daddy,” hanggang sa paggawa ng mga “family drawings” na ikinagugulat ng buong opisina.
Pero paano kung isang araw malaman ng billionaire CEO ang totoo?
Na ang dalawang batang unti-unting nagpapalambot ng puso niya ay sarili niyang dugo?