Ang Inosenteng Maid ni Lord Master
"Don't underestimate yourself, Ika. Isipin mo na lang na para rin ‘to sa future mo. Para kapag dumating ang araw, higit pa sa katulong ang makukuha mong trabaho."
Para sa future ko? Napaisip naman ako sa tungkol doon. Dati, ang pangarap ko lang na mangyari sa buhay ko ay makapagtapos nang sa ganoon ay may maipagmamalaki na ako. Bukod doon ay iyon nga, makakuha ng matinong trabaho.
‘Eh ngayon kaya?’ tanong ko sa sarili ko.
Tingin ko ganoon pa rin naman, iyon lang at nadagdagan. Sa future ko, gusto ko pareho kaming masaya.
Bab Populer