THE UNFAITHFUL WIFE
“Mali na sisihin mo ang sarili mo sa nangyari, ading.”
“Ading?”
“Sorry hindi ka nga pala Ilocano. Ading ang tawag naming mga Ilocano sa mga mas bata sa amin.’
Tumango ako.
“Basta huwag na huwag mong sisihin ang sarili mo sa nangyari, ha? Isipin mo na lang na nangyari iyon dahil may malalim na dahilan. Tama ka, paghandaan mo ang buhay mo. Mga bata pa naman kayo ng girlfriend mo, marami pang magagandang mangyayari sa buhay ninyo. Gusto ko yung desisyon mong lumayo na muna at ipagpatuloy ang buhay. Gawin mo ang gusto at pangarap ng Mama mo sa’yo. Alam kong binabantayan ka niya at masaya siya na nakikitang sa ngayon at determinado kang magtagumpay.”