PAG-ANGKIN NG BILYONARYO: Ang Lihim Na Anak
sagot ni Leo bago mabilis na lumabas para gawin ang utos ko.
Humarap muli ako kay Iris at hinila ko siya patungo sa dibdib ko. Naramdaman ko ang marahang pagluha niya habang nakasandal sa akin.
Noong mga nakaraang araw, habang puyat ako sa pakikipag-usap sa mga foreign investors mula sa Singapore, pilit kong pinapakalma ang sarili ko. Sabi ko, negosyo lang naman ang labanan na ito. Isang simpleng palitan ng shares at kapangyarihan. Pero nagkamali ako. Ang pamilya ko, kasama ang mga Suarez, ay mga halimaw na walang pakialam kung sino ang masaktan basta maprotektahan lang ang kanilang mga sikreto at kayamanan. Kung kailangan kong maging mas masahol na halimaw para lang maprotektahan ang mag-in