Ang Pulang Kuwintas
pabulong na anas niya ngunit sapat na upang marinig ni Aliasar na akmang babatukan na sana nang humarang si Adriano, “Tama na nga iyan, para kayong mga bata. Magsuot ka nito, Mateo. Baka makilala ka pa ng mga tao’t isumbong kay ginoong Damian.”
Kalalabas pa lamang ng Tayabas ng kanilang propesor kung kaya’t malaya na nga silang makagagala ngayong gabi. “Saan na nga ulit ang daan, Casimiro?” tanong ni Adriano sa taong naglalakad sa kanilang harapan.
“Ako ng bahala sa ating destinasyon, basta’t sundan niyo lamang ang daang aking tinatahak,” mayabang na sagot niya.
ตอนยอดนิยม