My Best Friend's Baby
"Ang sabi ko, alagaan mo, hindi ko sinabing maging matigas at manhid ha."
"Alam mo, Opaw, minsan kailangan maging matigas at maging manhid para hindi masaktan."
"Gwin, sa buhay, hindi maiiwasan ang masaktan. Kahit anong iwas mo pa. Pero madalas ang mga taong nasaktan mas nagiging malakas pa, naging mas matatag. Kaya 'wag kang matakot masaktan. Dahil sakaling may dumating man na pagsubok na mas matindi pa sa naranasan mo ngayon, hindi ka na basta matatalo. Kasi mas pinalakas at pinatapang ka na ng mga pagsubok na naranasan mo," seryoso nitong sabi, may kasama pang kumpas ng kamay.
Bab Populer