Babysitting my Boss
“Laging magkasama, baka naman…”
Napayuko siya agad, nagkunwaring walang naririnig. Pero sa loob-loob niya, may kaba. Hindi niya gustong isipin ng mga tao na ginagamit niya ang trabaho para mapalapit sa boss niya. Binilisan na lang niya ang paglalakad para makabalik agad sa opisina. Hindi na siya nag-abalang makinig pa sa usap-usapan, ang importante busog siya. At alam naman niya ang totoo at alam din ni Lukas ang totoo, bakit makikinig pa siya?
Pag-upo niya sa desk, hindi niya mapigilang mapabuntong-hininga. Pero bago pa siya makapag-relax, biglang lumapit si Lukas sa mesa niya.
Bab Populer