The Ruthless CEO's Forced Wife
Sa pagkakaalala ko, hindi naman siya nahiwalay sa tabi ko, ah?
Tila nabasa ni Chef ang nasa utak ko dahil muli siyang nagsalita.
"Gamit po ang intercom. Doon po niya sinabi na ipaghanda ko kayo ng makakain," ani Chef at nagawa pang tumawa.
Tinikom ko na lang ang bibig ko at nagpasalamat na lang. Inihain sa harap ko ang isang mangkok ng mainit na tinolang manok, sariwang prutas, at isang platito ng carbonara. Medyo nahihiya man ako pero dahil gutom na gutom na talaga ako, hindi ko na 'yun pinairal. Agad akong naupo sa hinanda din sa'king upuan at nagsimula ng kumain. Mabuti na lang at masarap magluto si Chef Cora, kahit paano ay nabawasan ang stress ko ngayong gabi.